Thursday, April 14, 2011

Paghahandog ng Sarili (Ofrasio)




Kunin Mo, O Diyos at tanggapin Mo
Ang aming kalayaan, ang aming kalooban
Ang isip at gunita ko
Lahat ng hawak ko, lahat ng loob ko
Lahat ay aking alay sa Iyo

Mula sa Iyo ang lahat ng ito
Muli kong handog sa Iyo
Patnubayan Mo’t paghariang lahat
Ayon sa kalooban Mo
Mag utos Ka, Panginoon ko
Dagling tatalima ako
Ipagkaloob Mo lamang ang pag-ibig Mo
At lahat tatalikdan ko.


No comments:

Post a Comment