Wednesday, April 27, 2011

Awit ng Isang Alagad




Panginoon ko ang buhay mong bigay
Ay minsan lang nagdaraan sa akin
Kaya bilang isang pag-aalay
Ang buhay ko'y ihahandog sa Iyo

Katulad ko, marami ang tinawag mo
Upang humayo't maglingkod sa ngalan mo
Tanging hiling at lagi nang dasal
Maging mapalad sanang tanggapin

Turuan mong maging bukas palad
At matutong mabuhay ng banal
Kaya bilang isang pag-aalay
Ang buhay ko'y ihahandog sa Iyo

Katulad ko, marami ang tinawag mo
Upang humayo't maglingkod sa ngalan mo
Tanging hiling at lagi nang dasal
Maging mapalad sanang tanggapin

Tanging pangarap ko, sana'y bigyang daan
Sa landas ko'y hawiin ang buhawi ng gulo
Ang ulap na nagsisilbing dilim sa langit ko
Tunawin at gawing ulan, laan sa buhay kong tigang
Mula sa pagkakasala, ako'y muling ibangon mo
At umasa kang maglilingkod sayo..


No comments:

Post a Comment