Monday, April 18, 2011

Unang Alay




chorus:
Kunin at tanggapin ang alay na ito
Mga biyayang nagmula sa pagpapala Mo
Tanda ng bawat pusong ‘pagkat inibig Mo
Ngayo’y nananalig, nag-mamahal sa ‘Yo

Tinapay na nagmula sa butil ng trigo,
pagkaing nagbibigay ng buhay Mo;
Alak na nagmula sa isang tangkay ng ubas,
inuming nagbibigay lakas.
(repeat chorus)

Lahat ng mga lungkot, ligaya’t pagsubok,
lahat ng lakas at kahina-an ko
inaalay kong lahat buong pag-katao
ito ay isusunod sa ‘Yo
(repeat chorus)

Kami ay dumudulog at nagsusumamo
Nawa'y tanggapin at pagpalain Mo,
Ang alay na nagmula sa aming pagsisikap
At bunga ng aming paggawa.
(repeat chorus)

Ang bayang inibig Mo ngayo’y umaawit,
sa ‘Yo ay sumasamba’t nananalig;
umaasang diringgin ang bawat dalanging
sa alay na ito’y nakalakip.
(repeat chorus)

… ngayo’y nananalig, umaasa,
… dumudulog, … sumasamba,
… umaawit, … nagmamahal,
… sa ‘Yo


No comments:

Post a Comment