Thursday, April 28, 2011

Lahat Ibibigay




Paggising sa umaga kay ganda, kay ganda,
Kay ganda ng mundong ginawa Niya
Ngayon lang nakita ang ganda ng mundo
Salamat sa Diyos at ako'y binago
Nang tanggapin ko si Hesus na aking Diyos
Nagbago ang lahat sa buhay ko
Bagong ligaya ang nadarama
Bagong pag-asa ang makikita

Lahat lahat ay aking ibibigay
Ibibigay pati aking buhay
Upang purihin siya
Nag-uumapaw ang aking saya
Pagmamahal Niya ang nadarama
Kay ganda ng buhay ng nasa sa kanya
Purihin ang Diyos purihin Siya


No comments:

Post a Comment