Saturday, April 30, 2011

Batbat




Buhay batbat man ng pasakit
May kulay ang silahis ng pag ibig
Tunay na makamtan mo man ang langit
Di ka rin masisiyahan kung walang pagmamahal
Kaakibat ng dibdib

Chorus:
Anong mapapala ng tao sa lupa
Di tulad sa kabila kapiling ang lumikha
Hanapin natin kayamanang mapayapa
Buhay ni Hesus na mananakop ang halimbawa.

Langit kayamanang di malirip
Ligaya tuwang walang kahulilip
Sining na di makatkat ng isip
Sa mundo’y di makamit ang gintong
pagmamahal, kayamanan ng dibdib.


No comments:

Post a Comment