Saturday, April 16, 2011

Luwalhati sa Diyos




KORO:
Luwalhati, luwalhati sa Diyos
Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan
Luwalhati, luwalhati sa Diyos
Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan

At sa lupa'y kapayapaan
Sa mga taong may mabuting kalooban
Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin
Sinasamba Ka namin
Niluluwalhati Ka namin
Pinasasalamatan Ka namin
Dahil sa dakila Mong kaluwalhatian (KORO)

Panginoong Diyos, Hari ng langit
Diyos Ama'ng makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, bugtong na anak
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos
Anak ng Ama (KORO)

Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa Ka sa Amin, maawa Ka sa amin
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Tanggapin Mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama
Maawa Ka sa Amin, maawa Ka sa amin (KORO)

Sapagkat Ikaw lamang ang banal
Ikaw lamang ang Panginoon
Ikaw lamang, O Hesukristo, ang kataastaasan
Kasama ng Espiritu Santo
Sa kaluwalhatian ng Diyos Ama
Amen (KORO)


No comments:

Post a Comment