Sunday, April 24, 2011

Kaibigan




Sino pa ang tutulong sayo,
Kundi ang katulad ko,
Kaibigan mo ako....

I
Sa akin mo sabihin ang problema mo,
At mag tiwala kang di ka mabibigo,
Kasama mo ako sa hirap at ginhawa,
At may kasama ka sa iyong pagdurusa.

II
Kapag nasaktan ka ay wag kang mag susuko,
Kahit may takot ka ay wag kang magtago,
Di ka nag-iisa kasama mo ako,
Tawagin mo lamang di ka mabibigo.

Chorus
Kaibigan kita, kaibigan tuwina,
Sino pa ang tutulong sayo,
Kundi ang katulad ko,
Kaibigan mo ako.

III
Ngayong nalaman mo na may kasama ka,
Hinding-hindi kailan pa man mag iisa,
Kasama mo ako sa hirap at ginhawa,
At may karamay ka sa iyong pag durusa,

Chorus
Kaibigan kita, kaibigan tuwina,
Sino pa ang tutlong sayo,
Kundi ang katulad ko,
Kaibigan mo ako.

Finale
Sino pa ang tutulong sayo,
Kundi ang katulad ko,
Kaibigan mo ako...


1 comment:

  1. sino kaya ang original singer/composer sa kantang ito? sino nakakaalam paki-share naman...

    ReplyDelete