Sunday, April 24, 2011

Diyos ay Pag-ibig




Pag-ibig ang S'yang pumukaw
Sa ating puso at kaluluwa
Na siyang nagdulot sa ating buhay,
Ng gintong aral at pag-asa

Pag-ibig ang siyang buklod natin
‘Di mapapawi kailan pa man
Sa puso’t diwa tayo’y isa lamang
Kahit na tayo’y magkahiwalay

Chorus
‘Pagkat ang Diyos nati’y
Diyos ng pag-ibig
Magmahalan tayo’t mag-tulungan
At kung tayo’y bigo
Ay huwag limutin
Na may Diyos tayong nagmamahal

Sikapin sa ating pagsuyo
Ating ikalat sa buong mundo
Pag-ibig ni Hesus
Ang siyang sumakop
Sa bawat pusong uhaw sa pagsuyo.


No comments:

Post a Comment