Saturday, April 16, 2011

Purihin ang Panginoon




Koro:
Purihin ang Panginoon, umawit ng kagalakan,
At tugtugin ang gitara at ang kaaya-ayang lira
Hipan ninyo ang trumpeta.

I
Sa ating pagkabagabag, Sa Diyos tayo’y tumawag.
Sa ating mga kaaway, tayo ay Kanyang iniligtas. (koro)

II
Ang pasaning mabigat, sa 'ting mga balikat.
Pinagaan nang lubusan ng D'yos na Tagapagligtas. (koro)

III
Kaya Panginoo’y dinggin, ang landas Nya’y tahakin.
Habambuhay ay purihin, kagandahang-loob N’ya sa‘tin. (koro)


No comments:

Post a Comment