Sunday, May 15, 2011

Pag-aalaala




Koro
Bayan, muling magtipon,
Awitan ang Panginoon
Sa piging sariwain;
Pagliligtas n'ya sa atin.


Bayan, ating alalahanin,
Panahong tayo'y inalipin.
Nang ngalan N'ya'y ating sambitin.
Paanong 'di tayo lingapin?
(Koro)

Bayan walang sawang purihin,
Ang Poon natin mahabagin.
Bayan, isayaw ang damdamin,
Kandili N'ya'y ating awitin.
(Koro)

Sa piging sariwain, pagliligtas N'ya sa atin.


No comments:

Post a Comment