Thursday, May 26, 2011

Kristo




Ikaw ang lagi kong kausap,
Ikaw ang laging tinatawag
Gabay Ka ng bawat pangarap,
Lakas ng bawat pagsisikap.

Ikaw ang tunay na kaibigan,
Ginto ang puso't kalooban
Ngunit hindi lahat ay may alam,
Na Kristo ang 'yong pangalan.

Kristo, Kristo,
Bakit minsan ka lang nakikilala?
Kapag nakadama ng dusa't pangamba
Tinatawagan ka, sana'y maawa ka.
Kristo, Kristo,
Kulang pa ba ang pag-ibig na dulot mo?
Bakit ba ang mundo ngayo'y gulong-gulo?
Anong dapat Gawin? Kami'y tulungan mo.
Kristo, Kristo.


No comments:

Post a Comment