Monday, May 23, 2011

Awit ng Paghahangad




O D'yos, Ikaw ang laging hanap.
Loob ko'y Ikaw ang tanging hangad.
Na-uuhaw akong parang tigang na lupa
Sa tubig ng 'Yong pag-aaruga.
Ika'y pagmamasdan sa dakong banal
Nang makita ko ang 'Yong pagkarangal.
Dadalangin akong nakataas aking kamay,
Magagalak na aawit ng papuring iaalay.

Koro
Gunita ko'y ikaw habang nahihimlay
Pagkat ang tulong mo
Sa tuwina'y taglay.
Sa lilim ng iyong mga pakpak
Umaawit akong buong galak.

Aking kaluluwa'y kumakapit sa 'Yo.
Kaligtasa'y t'yak kung hawak Mo ako.
Magdiriwang ang hari ang D'yos S'yang dahilan.
Ang sa Iyo ay nangako
Galak yaong makakamtan.
[Koro, maliban ang huling linya]

Umaawit, umaawit, umaawit akong buing galak.


No comments:

Post a Comment