Wednesday, May 4, 2011

Hayaan




Hayaan mong sabihin kong muli sa Iyo
Ang tanging nilalaman ng puso ko
Bagama't sa wari ko'y di gaanong tumutugon
Sa himig ng dasalin kong ito

Hayaan mong sabihin kong muli sa Iyo
Ang tanging ninais ng buhay ko
Bagama't sa wari kong ito'y balatkayo
Huwag sanang damdamin ang karupukan ko

Koro
Minahal mo ako ng walang hanggan uulitin ko muli at sana'y iyong madama mahal kita
Kinulayan mo yaring daigdig binigyan sigla ang bawat buhay
Labis-labis ang pag-ibig sa akin dulot mo ho...ho...


No comments:

Post a Comment