Tuesday, May 24, 2011

Gabing Kulimlim




Pagsapit ng gabing kulimlim, naririto Ako
Papawiin Ko ang lumbay mo.
Kukumutan ka ng saya,
At aakayin Ko ang pagsikat ng uma - ga.

Yakapin mo, kaloob Kong buhay sa iyo.
Sa piling Ko damhin mo ang mundo.
Sa kapwa mo muling ma - bi - bigo;
Kapaya - pa - an Ko lamang ang sasagip sa iyo.

Anumang tagal ng gabi'y kasama mo Ako.
Di mo man tanto, narito Ako.
Ang buhay Kong nagdudulot ng buhay sa iyo.
Kadilimang ito ay kakayanin mo.

Pagsapit ng gabing kulimlim, naririto Ako
Papawiin Ko ang lumbay mo.
Kukumutan ka ng saya,
At aakayin Ko ang pagsikat ng umaga.


No comments:

Post a Comment