Sunday, April 10, 2011

Isang Himig ng Pag-ibig




Pakinggan mo ang awit mula sa isang tinig
Himig na makalangit ang kanyang inaawit
Tulad ng isang dalanging hangad ay pag-ibig
Nag-iisa mang tinig sadyang maririnig

Sa pagdaan ng araw muli ngang pakinggan
Nag-iisang tinig unti-unting sinasamahan
Na libo pang mga tinig na nag-aawitan
Sama-samang papuri na kanyang kalulugdan

Koro:
Ang sama samang tinig hatid ay pag-ibig
Ito'y maririnig hanggang sa dulo ng daigdig
Papuri sa Panginoon tanging itataas
Buong puso at buhay at kaluluwa't lakas.
Ngayon ang mga tinig lakas naaantig
Isang diwang titibok sa puso ng daigdig
Lumipas man ang panahon, tinig natin ngayon
Patuloy na aawit sa ating Panginoon
(Koro)

Tulay:
Itataas ang ngalan ng ating Panginoon
Patuloy na aawit magpahabang panahon
(Koro 2x)


No comments:

Post a Comment