Friday, April 8, 2011

Walang Hanggang Pasasalamat




Koro:
Walang hanggang pasasalamat ang sa 'Yo'y aming sasambitin
Maging sa huling sandali ng aming buhay
Pasasalamat sa Iyo'y walang hanggan.

Salamat sa 'yo aming Ama.
Salamat sa Iyong mga likha.
Salamat sa liwanag ng araw at buwan.
Salamat sa Iyo O Dios…

Salamat, Panginoong Hesus.
Salamat sa Iyong pagliligtas.
Salamat sa buhay na walang hanggan.
Salamat, salamat sa Iyo (koro)

Salamat sa Espiritung Banal.
Salamat sa liwanag ng buhay
Salamat sa walang hanggang patnubay Mo.
Salamat sa Iyo O Diyos…

Salamat sa mga magulang ko.
Salamat sa mga kapatid ko
Salamat sa lahat ng kaibigan ko.
Salamat, salamat sa Iyo (koro)

Salamat sa bawat pagsubok.
Salamat sa tibay ng loob.
Salamat sa landas ng pagbabago.
Salamat sa Iyo O Dios…

Salamat sa wagas na pagibig Mo.
Salamat inibig Mo ako
Salamat sa bawat taong nagmamahal.
Salamat, salamat sa Iyo (koro)

Coda: //Pasasalamat sa Iyo, pasasalamat sa Iyo.
Pasasalamat sa Iyo'y walang hanggan//


No comments:

Post a Comment