Sunday, March 27, 2011

Patawad




Patawad Panginoon ako'y nagkasala
Sa isip, sa salita at sa gawa
Patawad Panginoon sa aking kahinaan
Kapatawaran mo'y nawa'y makamtan

Purihin ka sa Iyong kadakilaan
Alam kong ako'y nagkulang
Ang oras na para sa Iyo walang nailaan
Ngunit kahit minsa'y hindi mo ako tinalikuran

Napakabuti mo Panginoon
Salamat sa biyaya na Iyong pinagkaloob
Hayaan mong ika'y aking paglingkuran
Ang buhay ko'y para sa Iyo lamang


No comments:

Post a Comment