koro:
Ako’y aawit ng may kagalakan
sapagka’t dakila ka,
Panginoon
Ako’y aawit papuri sa ‘yo
makapangyarihang Panginoon
I
Maghari ka magpa-kailanman,
maghari ka sa buong
sandaigdigan
Ang ‘yong mga gawa,
tunay ngang kamangha-mangha
Sa buong mundo’y ipamamalita
(koro)
II
Pupurihin kita aking Ama
Buong puso kong alay ay
pagsamba
Ang ‘yong mga gawa,
tunay ngang kamangha-mangha
Sa buong mundo’y ipamamalita
(koro)
III
Magbubunyi ako hanggang wakas
Dahil sa iyong pagliligtas
Ang ‘yong mga gawa,
tunay ngang kamangha-mangha
Sa buong mundo’y ipamamalita
(koro)
No comments:
Post a Comment