Wednesday, April 13, 2011

Huling Hapunan




Ito ang tinapay ng buhay Kunin mo at ibahagi
Ito ang tinapay ng buhay Kunin mo at makiisa

Yan ang katawan ibinayubay
Upang ikaw ay mabuhay
Yan ang katawang naghirap
Upang iyong kamtan ang buhay na walang hanggan

Ito ang saro ng bagong tipan Kunin mo at ibahagi
Ito ang saro ng bagong tipan Kunin mo at makiisa

Yan ang dugong dumanak
Upang ikaw ay luminis
Yan ang dugo ni Kristo
Na para sa iyo doon sa kalbaryo ay tumigis

Ito ang tinapay ng buhay
Ito ang saro ng bagong tipan
Yan ang katawang ibinayubay
Yan ang dugong itinigis


No comments:

Post a Comment